Itatawid kita
Gary Granada
Nais ko sana kayong yayain
Na ang tadhana ating baguhin
At ipamana sa ating mga anak
Ang isang bukas na maningning
Ibig ko sana kayong yakagin
Sa isang panata at adhikain
Upang pag-asa ay muling mahagilap
Sa isa’t-isa gawi’t sabihin
Koro
Na sa gitna ng maigting at marahas na kahirapan
Itatawid, itatawid kita
Hanggang sa ating marating ang totoong kapayapaan
Ihahatid, ihahatid kita (repeat)
Pagpalain ka kaibigan, simulain ay katigan
At patnubayan sa biyaya nya, daing ng bayan ay iba’t-iba
Ay alalayan natin ang isa’t-isa (koro)